Breaking! Cong.Mike Defensor, Kinontra ang ABS-CBN Franchse Renewal Bill ni Sotto! "Bayaran muna ang 4 Bilyong Buwis!"
Nitong umpisa ng 2021 ay naging isyu ang paghahain ni Senate President Tito Sotto ng panukalang batas upang mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Ang hakbang na ito ni Sotto ay sinegundahan naman ni Congresswoman Vilma Santos sa pamamagitan ng paghahain naman ng panukalang batas sa kongreso.
Ang isyu na ito ay agad na sinagot ni Anakalusugan Partylist Mike Defensor. Ayon sa kongresista, mali ang tinatahak na direksyon ng hakbang para buhayin ang prangkisa ng Kapamilya Network. Dapat daw kasi bayaran muna ng istasyon ang P4 billion buwis bago mabigyan muli ito ng prangkisa.
“Kahit nagkaroon pa ng pagbabago ang ownership, dapat sagutin muna ang violations na nakita ng mga committee… Ang Senado ay pwede lamang mag-propose amendments or concur sa mga sa bill na galing sa Kongreso,” sabi ni Defensor.
Giit pa ni Defensor na dapat magmula sa kongreso ang panukalang batas para sa ABS-CBN franchise.
“Dapat manggaling muna sa amin (sa House of Representatives)at doon nila (sa Senado) tingnan kung ano ‘yong kanilang gagawin. Kasi ang hirap nung sinabi na, o mayroon na kaming bill dito hintayin na lang namin ‘yong sa Kongreso. Hindi po ganoon eh,” paliwanag pa ni Defensor.
Si Cong. Defensor ay isa sa mga gumisa sa ABS-CBN noong nagkaroon ng congress hearing ukol sa prangkisa ng istasyon. Sa nasbing pagdinig, lumabas ang isyu tungkol sa unfair labor practices ng kumpanya, tax avoidance scheme, ang hindi dapat paniningil ng ABS-CBN sa block box nito, at iba pa. Dahil sa mga naunkat na paglabag ng istasyon, mayorya ng mga kongresista ang bumoto para ibasura ang franchise application ng Kapamilya network.
Source: Manila Bulletin | DZAR
{SOURCE}
Breaking! Cong.Mike Defensor, Kinontra ang ABS-CBN Franchse Renewal Bill ni Sotto! "Bayaran muna ang 4 Bilyong Buwis!"
Reviewed by DDS BALITA
on
January 06, 2021
Rating:
No comments: