BREAKING! Cong. Marcoleta, Rumesbak sa Hakbang ni Sotto! "Hindi Pwedeng Kalimutan ang Violations ng ABS-CBN!"

Sa isang panayam ay kinontra ni Congressman Rodante Marcoleta ang hakbang na ginagawa ni Senate President TiTo Sotto para mabigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Ayon sa kongresista, hindi basta pwede kalimutan na lang ang mga naging paglabag ng Kapamilya Network.

“Nasa 18th Congress pa tayo, hindi pa natatapos ito. Ang napalitan lang ay ang dati nating Speaker na si Speaker Alan, at ngayon ay si Speaker Lord na. Para sa akin, ang statement ng 18th congress ay hindi na namin binigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. Hindi naman porke napalitan ang speaker at bagong taon na tayo, ay nakalimutan na natin na ni-reject natin ang franchise ng ABS-CBN,” sabi ni Marcoleta. 

Giit pa ni Marcoleta, marami pang isyung kailangan sagutin ang ABS-CBN na hindi dapat limutin na lang. Ilan dito ay ang isyu tungkol sa lupang kinatitirikan ng headquarters ng ABS-CBN sa Mother Ignacia St. sa Quezon City. Ayon pa kay Marcoleta, aabot pa daw sa 1.6 trillion ang dapat bayaran istasyon dahil sa mga paglabag.

Sa hiwalay naman na panayam, binigyan diin ni Anakalusugan Partylist Congressman Mike Defensor na dapat magmula sa kongreso ang panukalang batas para sa prangkisa ng mga mass media. 

“Dapat manggaling muna sa amin (sa House of Representatives) at doon nila (sa Senado) tingnan kung ano ‘yong kanilang gagawin. Kasi ang hirap nung sinabi na, o mayroon na kaming bill dito hintayin na lang namin ‘yong sa Kongreso. Hindi po ganoon eh,” saad ni Defensor.

Ngayon umpisa ng Enero 2021 ay naghain si Sotto ng panukalang batas para pagkalooban ng prangkisa ang media giant. Ayon sa senador, tila bumababa na raw ang kalidad ng mga programa dahhil sa pagkawala ng ABS-CBN. Kailangan din daw magkaroon ng kumpetisyon sa pagitan ng mga networks. 

“I noticed TV stations have been replacing their news programs with Animes. It means competition is absent and mediocrity is creeping in because of the absence of a strong competitor like ABS-CBN,” boladas ni Sotto.


Source: DZAR | ABS-CBN | Manila Bulletin | DZAR
{SOURCE}
BREAKING! Cong. Marcoleta, Rumesbak sa Hakbang ni Sotto! "Hindi Pwedeng Kalimutan ang Violations ng ABS-CBN!" BREAKING! Cong. Marcoleta, Rumesbak sa Hakbang ni Sotto! "Hindi Pwedeng Kalimutan ang Violations ng ABS-CBN!" Reviewed by DDS BALITA on January 05, 2021 Rating: 5

3 comments:

  1. Nililito ni Tito Sen ang mga tao dahil sa paghain niya ng panukalang batas na bigyan ng franchise ang ABS-CBN...nULL and void talaga pag nagkataon dahil hindi sa Congress nag-umpisa ang pagdinig...Tito Sen wantd to overpower the Senate bec of this....NO VOTE FOR SOTTO IN THE NEXT ELECTION.....

    ReplyDelete
  2. THINKING HE IS ABOVE ALL IN SENATE AND IN CONGRESS BECAUSE OF HIS POSITION IN THE SENATE

    ReplyDelete
  3. Tama po si Rep.Marcoleta dapat bayaran muna ng ABS CBN ang atraso nila ,Sa tax,Sa title ng lupa ,sa mga empleadong nawalan ng trabaho...

    ReplyDelete

Powered by Blogger.