LOOK! Cong. Marcoleta bumwelta at may matinding sagot kay Sen. Sotto sa hakbang na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN "Bayaran muna ang Utang nila!"

Kamakailan lang ay naging viral sa social media ang tungkol sa planong pagbibigay ni Senate President Títo Sotto ng bagong prangkisa para sa ABS-CBN.

Ayon pa sa senador nararapat na umano maibalik sa ere ang ABS-CBN dahil puro na lamang umano ‘animes’ ang napapanuod ng mga tao sa kanilang mga telebisyon. 

“I noticed TV stations have been replacing their news programs with Animes. It means competítion is absent and mêdiòcrity is crêêping in because of the absence of a strong competítor like ABS-CBN,” saad pa ni Sotto.

Dahil sa naging pahayag na ito ng senador, agad na bumwelta si Congressman Rodante Marcoleta sa hakbang na ito. 

Ayon pa kay Cong. Marcoleta hindi umano dapat basta basta kinakalimutan ang mga naging paglabag ng Kapamilya network.

“Nasa 18th Congress pa tayo, hindi pa natatapos ito. Ang napalitan lang ay ang dati nating Speaker na si Speaker Alan, at ng4yon ay si Speaker Lord na. Para sa akin, ang statement ng 18th congress ay hindi na namin binigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.” saad pa ni Cong. Marcoleta. 

“Hindi naman porke napalitan ang speaker at bagong taon na tayo, ay nakalimutan na natin na ni-reject natin ang franchise ng ABS-CBN,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa mambabatas, marami pa umano ang dapat talakayin at sagutin ang naturang network. Sinabi rin ni Cong. Marcoleta na halos umabot umano sa mahigit 1.6 trillion ang dapat bayaran ng istasyon dahil sa paglabag. 

Para naman kay Congressman Mike Defensor dapat umano hindi magmula sa senado ang panukalang pagbibig4y ng prangkisa sa mga tv network.

“Dapat manggaling muna sa amin (sa House of Representatives) at doon nila (sa Senado) tingnan kung ano ‘yong kanilang gagawin. Kasi ang hirap nung sinabi na, o mayroon na kaming bill dito hintayin na lang namin ‘yong sa Kongreso. Hindi po ganoon eh,” saad pa ni Cong. Defensor.

{SOURCE}
LOOK! Cong. Marcoleta bumwelta at may matinding sagot kay Sen. Sotto sa hakbang na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN "Bayaran muna ang Utang nila!" LOOK! Cong. Marcoleta bumwelta at may matinding sagot kay Sen. Sotto sa hakbang na bigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN "Bayaran muna ang Utang nila!" Reviewed by DDS BALITA on January 09, 2021 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.